Sunday, October 11, 2009

Pompy is Kikay

Si Pompy, nakaabot lang ng 1 yr, kung ano ano na pinag-gagagawa.

She saw me putting purple nail polish last saturday. Pauso naman ang ama, lagyan din daw ang Pompita.

Yung dalawang hinlalaki lang.

Natapos din. Tingin si Pompy sa kuko nya with curiosity. Tas titingin sa kuko ko. Nagtaka ata bat mas madami sakin. Pinalagyan din nya lahat ng daliri nya. Tsaka hahawakan. Eh di mabubura na naman. So lalagyan ulit. Tas hihipan ko. Tas tatawa. Garutay!

Pagdating ng gabi, bago matulog, hinahaplos pa rin nya kuko sa hinlalaki nya. Tas kinabukasan, tinatanggal ko na using acetone. Hinihila ba naman yung bulak. Ayaw ipabura. Bwahaha.

Ngayon, wala ng cutix sa paa si Pompy. Pero hinahanap pa rin nya. Tsaka na lang anak. Ikaw lang ata ang 1 yr old na kulay talong ang paa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home