Monday, January 25, 2010

Jana: the 16th Month

  • weighs 9.8 kilos
  • nagsuka 8x and then i lost count. hinang-hina na. even my breastmilk, her stomach was refusing. we're afraid she'd dehydrate. we went to the doctor. she advised us to monitor her condition, bring her to the hospital if she gets worse. we passed by a jollibee drive-thru and decided to buy us dinner. bumangon bigla ang bata. tinungga ang iced tea. humiga at natulog ulit. dyan po nagtatapos ang suka moments. kinabukasan, maligalig na ulit. walang bakas ng madilim na nakaraan.
  • Bago maglagalag sa kwarto o sala, sinusuutan ng tsinelas/sapatos. Di sya pumapalag. Very good anak.
  • sanay kumain sa high chair. walang pag-asang masanay sa car seat.
  • kumukuha ng damit sa hamper, sasabihin nya kung sa mommy or daddy yun (based siguro sa amoy?)
  • kukunin tsinelas mo at ipapasuot sayo pag nakitang nakapaa ka
  • pinapainom ng dede/juice mga stuffed toys nya
  • first words: Daddy, up, baba (down), di (dora), dede, Ji (jollibee), shoes, light

sips from her sippy cup with straw.
loves apple juice and daddy's chopsuey.


ganito kumain ng pancake

di na kelangan mag-syrup

kawawang reindeer. walang laban yan anak.

kusang umiinom ng vitamins

"baka makasuhan ako, child labor. bitawan mo yan anak."

bored na.

maglilinis na lang ako ng sarili kong ilong, mama.

our typical weekend

4 Comments:

Blogger Nick said...

asteg nmn sna ganyan ka bibo ung baby ko paglaki nya...hehehehe

11:18 PM  
Anonymous grace said...

mas nauna pa nya natutunan yung jollibee (ji) kesa mommy?? :P

12:08 AM  
Anonymous Anonymous said...

ice tea lang ang katapat .... (new medical miracle of 2010 ... :P)

1:20 AM  
Blogger blue_palito said...

@Grace
oo, tama ka dyan. kahit MAMA di nya mabigkas. me favoritism ata yang batang yan.

@anonymous
di na ako nagulat. comfort food (este drink) ko rin ang iced tea =D a whole new level na eto! hehe

2:09 AM  

Post a Comment

<< Home