Sunday, March 29, 2009

Jana: the 6th Month

  • has started on her solid food. during the house blessing, she ate half pisngi of a ripe mango. that was her first time. she likes squash, hates mashed potato (anak, si mama paborito mashed patatas. pano na yan?), and feels neutral on sayote.

  • sleeps longer at night. every 3 hrs na lang yata sya humihingi ng milk. wiwi time is around 5-7am.

  • she learned how to roll over (uh-oh, umpisa na eto...) but hates it. nahihirapan pa rin yata sya huminga kaya ayaw nya ng nakadapa. nevertheless, di na mapapagkatiwalaan ang batang eto mag-isa sa kama.

  • tumatawa na parang old lady. walang mata, labas gilagid, namamaos pa.

  • sa pilitan ang formula (again, anak mahal yan. ubusin mo naman pag tinimplahan ka =P).

  • pinagkamalang Hapon sa Market! Market!

  • slept on her tummy for 2 hours. kasagsagan eto ng init sa kwarto kaya nagpabale-balentong ang bata hanggang mahanap ang posisyon na kumportable sa kanya.

  • suuuuuper daldal sa umaga. gising na kasi sya, kaya lahat dapat gising na rin.

  • during breastfeeding, you'll know when she's full if she suddenly turns away from you and you expect na babalikan ka nya, yun pala tulog na.

  • ps: tsaka na lang po yung height and weight ha, di pa kami nakakabalik sa Pedia e =)

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home