Tuesday, October 26, 2010

Jana: the 24th-25th month




sabi ko naman sayo anak, wag ka muna lalaki agad.
kung ano ano na pauso mo.

  • pag-uwi ko ng bahay, nakakabit ka na lagi sa puwitan ko. para kang buntot.
  • alas-onse ka na lagi natutulog. paulit ulit naman yung binabasa nating libro (I Love You Through and Through).
  • nakikisabay ka na lagi sa midnight snack (di ka naman tumataba, tyan mo lang ang lumalaki)
  • nakakagigil ka harutin, ang lambing-lambing mo.
  • nadiscover mo na ang candies at chicheria. pero dahil kinocontrol namin ng tatay mo, para kang kawawa. tinitipid mo ang isang mentos para tumagal ng mga 10 mins.
  • sanay ka na rin magpatoothbrush.umaga hanggang gabi, nagpapapak ka ng toothpaste. hay naku, alam mo bang masama yun?
  • naghuhubad ka na ng diaper kasi mas gusto mo mag-panty.
  • bakit ka nagtatakip ng mata pag kumakanta ako ng "Part of Your World" from Little Mermaid? Ikaw pa lang natakot sa singing voice ko.
  • t'wing gising mo sa umaga, hahanapin mo agad tatay mo... "DA???" DA?"
  • napapalo ka na sa talampakan kasi ang kulit kulit mo bago matulog, tas magsusumbong ka sakin. wawa ka naman anak. hehe sabi kasi sayo, sleeping time na. nangre-wresting ka pa. untog ka lagi sa mga dingding at bintana. para ka namang bionic baby!

ang bilis-bilis mo lumaki baby. di na kita mabuhat ng matagal. kaya puro pictures and video na lang ginagawa ko para laging pwedeng balikan 'tong mga moments na 'to (at syempre pang-asar sayo pag malaki ka na hehehe). we love you baby jana.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home