En & Sarah’s Supplier Rating
Paunang hirit: Wala po kaming coordinator at ang lahat ay personal naming tinutukan. Pero mga kapatid, nakakatuwa pa rin kasi 2 suppliers ang nakapansin na organized daw kami (wahehe, shempre anyabang ko naman di ba?) Me mga unforeseen events pa rin na nangyari sa kasal. Una yung ring bearer namin, nasukahan ang gown ng MOB. Deadma na lang, walang Ring Bearer na nag-march. Pangalawa, nag-brownout sa reception (nagkaron kami ng libreng fireworks at me nagcomment pang “Ayy! Ang romantic!” hahaha). Susme. Nag-apoy na yung wire ng Meralco, di pa rin masyadong nahalata. Salamat sa luminaries. Yun pala ang silbi non J Sa 265K, din a rin matatawaran ang galing ng mga suppliers involved. 220 ang guests. Pano nagkasya? Isa-isahin po natin:
1. Blue Petals Catering
Peso Power: 75,590.00 (220 heads)
Rating: 10
Reasons:
a. Sobrang ok na service (mula initial meeting hanggang wedding day). Sila mismo nagbibigay ng fresh ideas. Every meeting namin, almost 3-4hrs kami inaabot sa sobrang particular namin sa details but they’re very patient. On the day itself, nung nawalan ng electricity, they utilized the luminaries by putting them on the guest tables.
b. Daming guests ang nagcomment na masarap yung food.
c. Sa P220 per head, complete na ang menu: pork, fish, beef, chicken, pasta, drinks, and panghimagas.
2. Ariel Javelosa Photography
Peso Power: 53,055.00 (includes prenup, 8x10 digital album, 2 mini-album, 1 signature frame, 1 tarpulin, 16x20 blow-up canvass, video in vcd/vhs/dvd)
Rating: 10 (separate rating will be given for the album upon receipt)
Reasons:
a. Sa meeting, walang problem. Madali silang makausap thru email or phone.
b. For prenup pictorial, we went to four locations: studio, hotel, church, and reception. Praktisadong-praktisado na kami sa pose kahit prenup pa lang!
c. Mabilis makuha yung output cd (prenup and wedding shots)
d. Game yung team sa mga shots na gusto mo. I have the misconception that their photos are traditional. When I spoke to Kuya Ben & Kuya Manuel that we want our pictures to be 60% candid & wacky, I didn’t know they’d deliver super ultra great shots =)
3. Ysabelle Fashion/Bridal Factory
Peso Power: 10,100 (for the gowns of the mothers and Groom’s apparel)
Rating: 10
Reasons:
a. Mabilis kausap. Mabilis ang delivery. Maganda ang quality. Natuwa pareho ang mothers dahil specially designed and unique yung gowns nila. The groom was also happy and contented sa damit nya.
4. Leonie Bautista
Peso Power: 11,000 for 8 female entourage and 2 flower girls
Rating: 10
Reasons:
a. Madaling kausap. Mabilis ang delivery. Maganda ang quality.
b. Medyo di kami nagkaintindihan sa kulay mismo pero buti na lang ok yung kinalabasan lalo na sa pics. Natuwa naman yung female entourage ko.
5. Sugarbox Cake
Peso Power: 8,500.00 (fondant cake with 12 mini-cake)
Rating: 8
Reasons:
a. Mabilis at maayos kausap. Sa text nga lang kami madalas magcommunicate ni Ms. Emily e.
b. Masarap yung cake at nilantakan ng mga bata yung billiard balls.
c. Kulang ng 2 points kasi una nawala yung isang topper na nirequest namin and pangalawa, hindi namin nahagilap yung wishes for the single ladies. Pero after the wedding, Ms. Emily explained her side and she’s willing to make it up by sending us another minicake with the topper we missed. Not a bad idea. So let’s finalize the rating to 9 na rin. Madali naman din kami kausap.
6. Palmos Weddings (for the Bridal Gown)
Peso Power: pasensya na, secret daw po.
Rating: 9
Reasons:
a. Masarap kausap sila Mam Olie at Sir Jorge. They’ll give you suggestion about your gown and kung ano ang mga babagay dito. And kahit super busy sila, they’ll take time to take care of you. And ang sarap ng feeling pag inaasikaso ka, di ba?
b. Kulang ng 1 point kasi bumigay yung zipper sa hotel pa lang. Buti na lang me pangalawang lock kaya di halata.
7. JJS Entertainment
Peso Power: 10,000 for the quartet (plus 1 free church singer)
Rating: 2
Reasons:
a. Masarap sana kausap si Sir John. Mahirap nga lang mahagilap.
b. Bridal march was a disaster. Yep, I have to live with this disappointment forever. I requested for A Moment Like This. Sabi ni Sir John maiiyak daw ako sa galing ng JJS. And true to his word, gusto ko maiyak while marching sa aisle.Believe it or not, di ko alam kung babalik ba ako sa entrance ng church to give ample time for the singer to practice the song. Parang nun lang nya prinaktis yung kanta. Once in a lifetime bridal march at wala sa tono yung kumanta. Nakakaiyak talaga.
c. Di tumugtog yung quartet sa reception while waiting for the program to start. Pagdating naming couple sa reception, CD ang tumutugtog. What da?! Bakit pa ako kumuha ng quartet kung CD ang gagamitin?
d. Nung nagbrownout, nablanko ang upuan nilang lahat, naiwan yung instruments. Sana man lang nag-stay put din sila sa seats nila kasi halatang-halata na nawala sila. Nasa harap sila e. Asan sila?
e. Bumawi sila nung patapos na yung reception. Me mga pinakanta kasi kaming friends and natugtog naman nila ng maayos. Kaso, yun lang ba ang binayaran ng 10,000? Magaan nga yung task nila kasi for the wedding traditions, we didn’t ask them to play anymore, CD na lang muna.
f. Ilan sa nirequest naming kanta ang natugtog? Wala pang lima.
g. Nawala na rin yung surprise ng groom kasi hindi daw sila nasabihan. O di ba, nagsuffer pa yung program.
h. Sana when Jacque mentioned her sentiments about JJS, nakinig na ako. Kaso I trusted John so much kasi neighbor namin sya. Same as Jacque, I asked him what happened (to give him the benefit of the doubt kaso deadma, dito na ata sila magaling pag pumapalpak)
8. Xstatic Sound and Lights
Peso Power: 5,000
Rating: 8
Reasons:
a. Medyo nahirapan kami nung una kontakin si Sir Mon. Hectic masyado ang sked pero nung nakausap na namin sya, madaling makapalagayan ng loob.
b. Di namin alam kung dahil sa kanila kaya bumigay yung electricity sa reception. Pero pwede rin namin di na-anticipate ng country club na ganon kalaking power supply ang makakain ng wedding namin (1st time kasi mag-hold ng wedding sa place na yon)
9. Ross Regala (HMUA)
Peso Power: 8,500 for 3 heads during wedding, 1,200 for prenup, 1000 per extra head on wedding day
Rating: 7
Reasons:
a. Personal favorite ko si Mama Ross. Magaan kasi ang kamay (he can make wonders talaga). Mabilis magtrabaho and high end ang gagamiting products sa’yo. I would’ve given him a perfect 10 kaso…
b. Before our reception, tinanggal nya ang ipit sa buhok ko. Then, picture taking na kami ng groom ko. I had no way to see kung ok ba yung new hairstyle ko so I trusted him. When I saw the pics, nanlumo ako. Nagkaron ng umbok yung part ng hair ko na nakaipit (at nilugay). And worst, sa reception wala nang naglakas ng loob magsabi na mukha na akong bruha dahil nililipad sa kung saan-saang direction ang buhok ko. And where is my HMUA? Nowhere to find.
c. Lastly, ang usapan namin is 700 for additional heads during wedding. Yung mga nagpa-makeup sa kanya, sinabihan ko. But Ross insisted na 1,000 daw ang usapan namin. Since I was busy, these ladies paid him without consulting me. There goes my favorite HMUA.
10. RCG Printing Press
Peso Power: 45.00 x 70 copies (5 pages each)
Rating: 6
Reasons:
a. Ayon sa feedback ng nakararami, ganda daw ng invitations namin.
b. Mabango, hindi nakakasawa yung amoy ng pages.
c. Kaso, hindi malinis ang trabaho. Ilang beses bumalik si En sa shop nila para ireject yung mga invitations. Grrr talaga. To think na ipi-print na nga lang nila… di nakakatuwa magpabalik-balik sa Recto ha.
11. Mang Boy Mahusay (Bridal Bouquet & Entourage flowers)
Peso Power: 7,500
Rating: 10
Reasons:
a. Ang gaan sa loob kausap, straight to the point.
b. Nung una akala ko, mahal yung package na nakuha namin. On the day itself, reasonable naman pala yung price. Di nya kami tinipid sa bulaklak. Lahat maganda! And take note, on time sya magdeliver. S’ya ang kauna-unahang supplier na dumating.
c. Kaso nawala yung red berries ng bouquet ko. Ok na rin. Nacompensate na rin ng quality deliverable nila.

1 Comments:
wala po additional charge un. nagkataon lang na nagpadagdag po kami ng mga deserts (aside sa kasama ng package).
sorry po delayed reply.
Post a Comment
<< Home