Tuesday, June 12, 2012

Tisha's Birth

05.25.2012

3am :i told en im probably giving birth. the only problem was that the contractions were not consistent. itutulog ko na lang muna.

8am: ano na? punta na tayo sa doctor.... hmm 10am pa sked nya sa Olivarez hosp. pasok na lang muna ako sa office (bsp) para mataps ko yung mga reports ko at mai-turnover ko. thanks mami, dadi, jasper sa paghatid :) si en uber late na, hinatid pa kasi si jana sa sampaloc.

9am-6pm: i feel better as soon as i started working. sabi na nga ba, false contractions lang. i waited for my mag-ama at mcdo harrison.

8pm: i started feeling a bit uneasy. i lay on the bed, feeling sick

10pm: Jana sana matulog ka na anak. i really think Dadi and I are going to the hospital.

11pm: knockout ang Jana. im still unsure. itutulog ko na lang muna...

05.26.2012

1am: Dadi En, gising ka muna. masakit na talaga huhu. tawag muna sa thomas. mami, pahiram si mariz for Jana.

2am: we arrived at the hospital.

2:30am: i was admitted at the labor room. 4-5cm na daw.

3:30am: 5cm

3:45am: dr orhel, the anaesthesiologist, arrived. epidural naaaaa.

4:30am: 7cm. pinag-oxygen ako. para daw sa baby. later i found out na bumababa pala ang heart rate ni Tisha every contraction (nagiging 70 na lang). pero cool naman yung attending OB and yung mga nurse so hindi ko nahalata na me problem pala.

5:30am: my ob arrived. 9cm pa lang pero "table" na daw.

6:00am: iri na daaaaaaw. sus. wala na ako maramdaman. Dr Orhel was helping me push. Pati yung head nurse. Kung ano ano na ginagawa sakin dahil di nagkocontract yung tyan. Ayoko na balikan yung pangyayare sa "table" basta!

6:50am: i saw tisha. yehey. 

8:30am: asan ako? huh. ay recovery room na pala ito. sabi ko sa nurse, i wanna see my baby. dinala naman si tisha and she latched :) good girl.

9:30am: sabi minimum of 2 hrs daw dapat magstay sa recovery room. so pwede na ako umakyat sa room? wala pa daw yung magsasign ng form. lekat naman. nagugutom na ako

11am: ano baaaaa?! naglalaway na ako sa blackforest cake na pinaorder ko ke En! di pa den ako makaakyat. this time, wala daw magtutulak sakin (sus maglalakad na lang kako ako!)

At nakaakyat na rin sa wakas. My immediate family was there (mami dadi chichay kuya bilog and syempre si ensot). sabi nanay ko matulog daw muna ako eh pero kakapanood nila ng Eat Bulaga at sa lakas ng tawa nila, di din ako makatulog.

around 4pm, i went down to NICU to see Tisha.

* so, you're the one kicking me all these time? *

she's mine :)
 
* Tisha is 2.7kg at birth *

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Ang bata mo tignan sa pics sis :) enjoy mommyhood!
-rei

2:35 PM  

Post a Comment

<< Home