Jana: the 20th month
- Nililipat ang channel pag ayaw ng palabas
- Gumigising sa madaling araw para magpahele ng mga 30secs
- nagpapatimpla agad ng Milo pagkagising sa umaga
- umuupo agad sa Driver's seat pag wala pang driver. Feeling nya yung sasakyan namin yung hinuhulugan ng token sa mga arcade.
- is still breastfed
- nawiwili na sa chocolates (pahamak na Mamila at Dadilo)
- madaling utusan (please give this to daddy, please throw this in the trashcan, please drink your water, etc)
- super hyper! di pumipirmi sa isang lugar ng isang minuto. kelangan naglalakad-lakad (parang bisor). laging me pasa o galos.
- watches KUNGFU PANDA pampatulog. She imitates Po when he's saying I Love Kung FuOuoUOuUuouou.
- Likes to pick her shoes for the day sa shoe cabinet. Her size is 6/7 (Crocs) but she often wears her 8/9 even 10/11 (mukhang lady version ni Mcdo)
- Can say star, daddy, feet, shoes very clear (nope, di pa rin nya kaya ang Mama or Mommy)
- marunong na magtampo. as in pupunta sa isang lugar tas yuyuko at tatakpan ang mukha (kunyare umiiyak)
- nagpapapak ng sitaw, spaghetti noodle, at baguio beans.
- nakikisway-sway pag hinahangin yung mga puno (ngek, puno ka ba anak?)