Ok... so where were we... aha, the Champorado...
- Ubos na ang Champorado! Badtrip di ako tinirahan ni asawa. Nakunsensya ata, nagluto ulit. Ayos. Mga 5pm na ata yun. Hinahanap na ako ni doctora. Sabi ko kumakain pa po Champorado.
- We arrived at the hospital around 6pm. We were instructed to go to the E.R. (ayoko sana kasi me bayad pa don. Bat ba ako ii-ER e sa Labor room naman dapat ako imonitor?) WALANG TAO sa ER. Petiks petiks. Hehe. A lady doctor finally IE me. 3-4cm na daw so she informed my OB. Dra asked me (since I'm still in denial stage) if I really wanted Epidural. This is the perfect time she said. But if Im not in pain, maybe i should try going without Epidural. Ngek. Ayaw ku. Takut aku hehe. Sabi ko pa rin please contact the anaesthesiologist hehe. Ang girl scout, laging handa.
- 7pm I was at the Labor Room. Naiinis na ata yung poging nurse kasi d mahook yung monitor sa tyan ko. Lakwatsa kasi ako ng lakwatsa. Punta sa CR. Sabi nya bedpan na lang daw. Ha?? Wa poise. Tatayo na lang ako.
- 8pm, deadma. Nagbibilang ng crack sa pader.
- 9pm, kwentuhan with the female nurse. Then it hit me. Parang dismenorya. Kaso matinding dismenorya eto. Parang 10 years naipon ang regla. Namimilipit na ako. Di ko matapos kwento ko ke nurse.
- They informed me that the anaesthesiologist is on his way. Eh masakit na talaga parang every other minute na ata. I asked them "san ba yun nakatira? Sa Taytay Rizal? Baka taga-Bacoor pa yun a?"
- Aba wala pa rin. Andyan na si pretty OB ko, wala pa si Dr. Anestisya? Sabi ko ata "Ano ba yan, kaya nga ako magbabayad para painless, baka pagdating nya nanganak na ako" Every penny counts, so does the pain. My cervix is 5cm dilated that time.
- Sa wakas dumating si Dr. Anestisya, derecho na kami sa OR. Fetal position. Aba sandali, nananakit pa puson ko. "Wait lang... wait lang po... saglit lang...pasensha na..." Hawak-kamay kung sino man yung katapat ko... minsan si Pretty OB, minsan nurse (ewan ko kung si pogi pa rin)... Hawak kamay talaga... di kita iiwan sa paglakbay...
- Nakabit na daw ang anestisya. Huh. Maning-mani. Parang kagat lang ng langgam.
- Si Dr. Anestisya pala tutulong sakin habang umiire. Pinupush nya tyan ko using 2 thumbs only. Sakit ha! Madiin sa tyan. Sabi ko "Sandali lang doc. Masakit yan e. Pwede ba yung palm mo na lang gamitin mo" Nashock ata. Sabi ng isang nurse, "Ayan doc tinuruan ka pa tuloy."
- Nagkukwentuhan sila tungkol sa Casino. Wala na ako maramdaman. The miracle of EPIDURAL!
- Am i going to push? Hehe atat. Intay pala kung kelan hihi. PUUUUUUSH. Puuuuush. O, wag mo bibitinin, bumabalik ulo ng anak mo... (hala galit na ba sila?). O sige mga tatlong pusha na lang. Yung mahaba ah... One, two, three.. puuuuuushhhh! AAAAAAAAHHHHHHHH (Parang nakakita ng multo yung sigaw ko wahehe iba ata napraktis ko).
- 11:03pm, nakita ko na si Pompy hinandover ng nakabaligtad ni pretty OB sa mga nurse. BLACKOUT.
- When I woke up, I am alone huhu. Recovery room pala yun. Creepy. Parang sa horror movies. Ikaw lang magisa, puro empty bed. Tas me tumutunog na parang oxygen support.
- Dumating si poging nurse. Sabi ko, "Asan ako? Asan lahat ng tao?" Umuwi na po lahat. Pati mga doctors nyo. Anyenye! "Asan anak ko?" (di ko pa nakikita si Pompy ha!)
- Palapit pa lang si Pompy, I asked the lady nurse, "Me balat ba sya?" Wala po. "Sure ka?... Sa mukha?" Wala po. "Sa kahit anong parte ng katawan?" Wala po. Salamat po doktor. At salamat po Diyos ko.
- Paglabas, I saw husband patiently waiting :) Aww, life is sweet.